Wednesday, February 29, 2012

We are not your female version



(Notes on the differences between the gay and the lesbian movements in the Philippines)









This piece forms part of an input during a workshop-dialogue "Towards Ending Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) Discrimination through Policy Advocacy" organized by the Pilipina Legal Resource Center on February 18-19, 2012 at Chateau del Mar, Lizada Drive, Lanang, Davao City.


by Anna Leah Sarabia

We are not a female version of gay men. We began as lesbians working as part of the women’s movement. The gay movement did not begin in the 1990s as a human rights and gender movement. ProGay Philippines was more a group of National Democrat gay men and gender equality issues were not the main agenda. The first pride march had to do with the issues of the NatDems.

Gay men's organizing in the Philippines came long after the women's NGOs became active pushing for gender equality and gender issues. In general the gay men's movement was not really political, and it quickly gained ground with funding support for AIDS projects sometime in the mid-1990s.

Which is so different from how lesbians organized in the beginning. We first articulated women's issues while we were part of the feminist movement, in the mid-80s. Some women's NGOs that had funds for different projects supported lesbians as part of acknowledging equal human rights for all. But not all women's groups welcomed lesbians. Some were worried it will affect their image or funding.

Lesbian activists had no money or resources to discuss our issues because most development funders in the 80s or 90s did not see what was referred to as "the special needs of lesbians". Even officials of the National Commission on Women in the mid-90s did not see the need to recognize the existence of lesbian issues and did not support the demands to even mention the term lesbian rights during the preparation for the UN World Conference in Beijing in 1995. Globally, only three small women's funding agencies set aside resource to support lesbians.

Until ten years ago, the lesbian movement never got support from local funders. We relied on our sisters in the women's movement. Many lesbians worked in NGOs and began coming out of the closet in the women NGOs. You could say that the women NGOs actually nurtured the lesbian movement. Because lesbian sexuality, women loving women, was a natural part of women's sexual and reproductive rights, and was a key aspect of promoting gender equality.

That's the reason why the wellspring of the gay community in this country is so different from the political wellspring of the lesbian community. Lesbians have a stronger political and human rights background. The gays organized around sexual relations and behavior, and that was more directly linked to AIDS prevention.

I guess that today, after many years of interaction between LGBTs, locally and worldwide, and with more NGOs and party-lists acknowledging the potential of LGBTs to gather votes, gays now are more politically motivated. LGBTs are pushing for non-discrimination and separate party-list representation. But in the context of understanding and promoting gender equality, or even of the basic concepts of sexism and sex-role stereotyping, there is some ways to go. It's because basically, we came from different political contexts.


Friday, January 20, 2012

The truth about my father




















Once I went to an island with my Aunt without the knowledge of my father. Only my mother knew. My mother thought he won’t be home that night. When he did, he was surprised not to find me. He asked for me. Where is Merilyn? They could not tell him the truth. My sister said, he isn’t home yet, Amah. He is still out, downtown. My father said, Damn. Okay, I will wait for him before I take my meal. So he waited for me a long while. Until night. Then he said, where did he go? You go with me, we will look for him! My sister said, I don’t know, Amah, where in town he went. My mother could not stand it anymore, she told him the truth. My father got furious, he turned the house upside down. He said, Produce my son! If he isn’t home yet tomorrow, I will kill all of you! I will burn this house down!!!

Then he called. He told my aunts, You bring my son back! I give you until tomorrow, or your sister will be dead! He meant his wife, yes, my mother.

Then he spoke to me.

I said, Hello? He said, What do you want? That you come home and find your mother dead? Or you come home right at this moment? I packed up right away. My mother was going to die. I would rather that my father died instead of my mother.

Wednesday, January 18, 2012

Sunday, January 8, 2012

Wednesday, January 4, 2012



Friday, December 2, 2011

lesbianismo, mga NGOs, at mga imam sa Jolo









Actually, alam din naman ng mga ustadzes sa Jolo yung mga nagli-live in. Alam yan nila lahat. Pero wala rin naman silang ginagawa.







Tumba Lata: Okay. Ano sa palagay mo ang main obstacles to providing support to LGBT people who may be victims of violence?

Ussah: Wala man obstacles, basta huwag lang pangalanan.

Radz: Oo.

TL: The moment you name it, na lesbian ito, magri-react lahat?

Ussah: Oo. Saka marami pa ring fanatics diyan sa Jolo. Pag lesbian siya nagpu-fall pa rin siya sa women, tapos, pag bakla naman dun pa rin siya sa men. Ganun.

TL: Which no longer hold. Di ba? Na categories?

TL: Anyway, in what way would you be able to help liban pa sa guidance and counseling? Pauutangin? Kasi magbi-birthday yung girlfriend.

Ussah: Patayin ko siya.

TL: Haha.

Ussah: Para sa akin, kung human rights violations ang issue, kahit wala na siguro iyang mga office or whatever, dahil yung lines of communications, yung technology ngayon, may internet, may cellphones, pag may mangyayari, alam nila kung sino yung puwede nilang takbuhan o tawagan, kahit nandun sa Davao o sa Manila. Kahit huwag ka nang mag-setup ng kuwan sa Jolo.

TL: You wouldn’t recommend talaga na…parang don’t rock the boat talaga?

Ussah: Ya. Parang ganun.

TL: Mahirap? They’ll gang up on you?

Ussah: Oo.

TL: Tapos, tutal, wala din naman existing local policy o religious fatwah na may penalties for homosexuals, wala naman, di ba?

Ussah: Meron siguro.

TL: Like, gina-ban ba nila from attending worship ang mga homosexuals?

Ussah: Wala. Hindi.

TL: But the homosexuals themselves do not go to the mosque. That’s what I know.

Ussah: Kasi, tingnan mo. Kahit naman homosexuals, Shei, pag pumunta sa mosque to pray, ang attire nila, attire din ng mga lalaki. Tapos yung mga lesbians, ganun din, attire din ng mga babae, covered din lahat sila, kaya walang kuan, di ba.

Radz: Wala naman sa Sulu o sa Muslim na ang mga bakla at tomboys… hindi ba katulad sa city na papasyal para… katulad namin. Nirerespeto din namin kultura namin, kaya hindi umabot na nakikialam ang mga ulama o ano. Nasa pagkatao na rin yun ng tomboy.

Ussah: Actually, alam din naman ng mga ustadzes sa Jolo yung mga nagli-live in? Alam yan nila lahat. Pero wala rin naman silang ginagawa.

Radz: Hindi rin naman pinapakita pagdating sa...

Ussah: Ang effect lang, kung nakikita, sa babae. Kasi kung nakakarelasyon ng tomboy, parang bababa talaga yung kuan mo.

TL: Yung fetching price mo.

Ussah: Oo. Kasi kuan yan, kapin tumbuy. Ganun ang sinasabi.

TL: Parang left-over ng tomboy?

Ussah: Oo.

TL: Ganun din ang mga Bisaya, e. Nakonsumo na na sa tomboy.

Ussah: Tapos, Shei, naririnig ko yung mga sinasabi ng mga lalaki, Ah, sabi nila, pag pumatol na yan sa tomboy, kahit mapangasawa mo pa yan, may time din na iiwanan ka (laughter), babalikan yun…ganun!

TL: Bakit yan? Hahahaha.

Radz: Ang mga lalaki naa-attract man din sa tomboys. Nata-challenge yan sila sa lesbians.

Ussah: Oo. Siyempre. Challenge yan sa kanila.

TL: They find it provocative. Parang mga gago, they think that lesbians are sexually available to them and they find it provocative na you walk around wearing your tomboy badge, I’m sexually unavailable to you! parang ganun. Haha.

Ussah: Tapos, naka-make love ka na dun sa guy, tapos naka-moan ka…haha, ang ego nila lomobo talaga, parang, wow ang tomboy nag-moan!

TL: Ang tomboy gilamian hahaha. Iyan si Mherz, pag-uwi nila, muntik na yang makipagbugbugan kasi yung mga porter sa pantalan, nagpupumilit ba na buhatin ang bag niya, dih ba, dih ba, tapos nagpupumilit talaga. Pinagsabihan siya ng magpakababae ka na kasi, ba, baka maligawan pa kita. Sukoa ni Mherz, uy, muntik na silang magbuntalan, buti na lang may mga kasama siya, inawat. Ano yan, common yan na joke. Sasabihan mo, huwag kang magsalita nang ganyan, marinig ka niyan, bubugbugin ka. Tapos, sasabihin sa iyo na, ay, kung maganda lang yan, siya ang lamog sa akin. Ganyan ba, mga sexist na mga assumptions. Nga lamian ang tomboy makipagseks sa lalaki, hindi lang nila alam.

Radz: Meron din mga babae na hindi talaga nila kayang pumatol sa tomboy.

Ussah: Okay lang yun, di ba? Para sa akin, yun ang straight.

Radz: meron din lalaki na hindi talaga nila kaya, kahit blow job, hindi nila kayang magpaganun sa bakla. It means, straight talaga sila. Yun ang para sa akin, straight.

Ussah: Pero magpa-blow job sila sa wives nila?

Radz: Oo. Okay lang yan. Pero huwag lang sa bakla. Para sa akin, yun, Shei, ang straight.

TL: Homophobic para sa akin yun!

Ussah: Pero kung kaya mo na, ma-tolerate mo na na makipagseks sa lesbian, hindi ka na one hundred percent na straight.

Radz: Okay yung ganun. Para sa akin naman, okay lang sa akin na lalaki papatol sa tomboy, pero kung tomboy papatol sa kapwa niya tomboy, para sa akin abnormal na yun.

TL: Oo, kasi nga ang heteronormative na relasyon, yung man-woman.

Ussah: Oo.

TL: So para sa iyo, yung tomboy at saka girl, man-woman, heteronormative pa rin yun.

Radz: Oo.

TL: Pag nagtomboy to tomboy na?

Radz: Nah, hindi na.

TL: Abnormal na.

Radz: Oo.

TL: Baliktad tayo,

Ussah: What she is saying is, pag babae siya, tapos papatol sa isang lesbian, tapos butch din naman, parang yung tingin niya lalaki yung butch. Biyadtu? Siguro ganun din. Same pa rin siya.

Radz: Example, siya, mahaba ang hair niya. Tapos, papatol siya sa tomboy, yung butch talaga, lalaki. Tapos, pagkatapos ng ilang taon, papatol na siya sa long hair na katulad niya? Abnormal yun sa akin.

Ussah: Hahahahaha.

TL: Hindi a.

Radz: Ayaw ko. Yun talaga ang hindi ko ma-accept.

TL: Ah, ganun. Talaga? Ano siya, heterosexual.

TL: Ako naman maiinsulto ako pag ang girlfriend ko, from being a lesbian... and when I say from being a lesbian, nakipagrelasyon sa akin, o kaya nakipagrelasyon sa kapwa babae, tapos naging ano siya, suddenly…

Radz: Nag-asawa siya ng lalaki?

TL: That’s the ultimate turn-off sa akin. Shiiit, insulto!

Ussah: Sa kanya, okay lang.

Radz: Ang ayaw ko lang, girl ko siya, tapos, sexy, nalaman ko na sexy din ang pinatulan niya. Parang… pareho na kami.

TL: Feeling mo, naalasan ako? Ngayon, kakumpetensiya ko na siya?

Ussah: Actually, parang ganun ang naging experience niya.

Radz: Hindi ko man alam. Siguro kung alam ko lang, kahit tsismis-tsismis lang, na ganun siya, hindi ko siya magiging girlfriend. Pag alam ko na tomboy siya.

Ussah: Pero before, yung ex-girlfriend niya? Girl talaga. Long hair.

TL: It could be kasi na… magulo naman kasi ang buhay e. Sometimes kasi life itself teaches you. Suddenly…

Radz: Hindi. Sa akin kasi, bakit mo pinatagal, parang ganun kahabahaba ng…

Ussah: Ilang years kayo noon, eleven?

TL: At that time siguro, hindi pa niya nadiscover na she's capable of loving another woman.

Radz: Kasi ako, ako, ha. Conservative ang nanay at tatay ko. Pero alam ko na tomboy ako. Humanap talaga ako ng paraan na hindi masaktan ang parents ko. Pero alam ko na tomboy ako. Dati sa elementary, sabi ko, baka nakiki-join lang ako. Nung high school ako naramdaman ko na humahangad ako sa babae, pero dinidiscuss ko pa rin sa sarili ko na, Ah, baka paglaki ko baka gusto ko, ganun. Dini-deny ko pa rin. Hanggang tinry ko pa rin na merong magkagusto sa akin para malaman ko talaga kung ano ba talaga ang feeling ko. Maraming nanligaw sa akin pero ayaw ko talaga. Nung nag-college ako, nagkaroon ako ng babae na karelasyon. Hanggang nalaman ng parents ko, nagalit sila sa akin. Sinubukan ko pa rin na… para maistop. Pero hindi ako happy. Alam ko talaga na tomboy ako. Bakit patagalin natin kung tomboy talaga tayo? Tayo naman ang nakakaalam, e, kung saan talaga ang feeling natin. Ano ba ang gusto natin? Hindi yan parang gamot o parang science na kailangan mo pang obserbahan, para malaman mo kung ano ka talaga.

Ussah: Ikaw. Sa iyo. Siya, nagdecide siya na lesbian siya at the age of 40.

TL: Ya. Pero bata pa ako, may mga attraction na ako sa mga babae. Kaya lang, hindi ko ma-place. Haha, hindi ko maintindihan bakit nagpapalpitate ang heart ko, bakit nanggiginaw ako, but I could not imagine myself making love with another woman, hindi ko alam na sexual yun o romantic.

Ussah: In hati niya, meron pa rin, kasi bata pa siya, nararamdaman na niya.

Ussah: Oo, pero nagkaroon ka ng relasyon sa lalaki?

TL: Oo.

Radz: O. Kumbaga, naiintindihan ko na happy yung ano niya. E, ako, hindi mo matawag na bisexual ako.

Ussah: Pero si Shei hindi siya bisexual.

TL: I would not call myself bisexual.

Ussah: Napagdaanan niya lang yun, pero sa gitna nun…

TL: Ang feeling ko kasi, parang it's compulsory to be a girl, kaya naging girl ako.

Radz: Ah. Ah, ganun?

TL: Kaya rin siguro sa mga naging boyfriends ko, hindi rin ako mag-enjoy talaga.

Radz: Ah, hundred percent, kuwan ka na. Hindi katulad ng ex-partner ko na before, kami, alam ko na ang dami niyang boyfriends. Tapos, ngayong kami na, pumapasok din ang mga lalaki, parang dumidiga. Ang hindi ko maintindihan kasi, kung tomboy ka, bakit mo pa pinatagal nang ganun katagal?

TL: E kasi, some are not born tomboys e. Yung iba later na…

Ussah: Sa later part kasi ng relationship nila, parang may napi-feel na siya, pero dini-deny niya.

Radz: Oo. Dini-deny ko na… kung tomboy itong pinili ko…

Ussah: Parang nagkaroon na ba siya ng mga pagseselos sa mga friends na mga girls.

TL: Sa mga attentions niya sa girls.

Ussah: Oo.

Radz: Sinasabi ko sa sarili ko na hindi naman siguro ito papatol sa akin kung tomboy ito. Okay lang siguro kung papatol siya sa akin na tinago ko ang pagkatomboy ko. Sinasabi ko sa sarili ko, hindi ito tomboy.

Ussah: To the point na mineet siya ng asawa ng isa sa mga friends nila, kinausap siya na sabihan yung partner niya na huwag nang sasamasama sa asawa. Pero during that time nasa stage of denial pa rin siya, na misinterpreted lang ng mga tao yung partner niya.

TL: Hahaha!

Ussah: Nung wala na sila, marami na yung mga kuwento-kuwento ng mga tao. Ganito, sabi nila, hindi lang namin sinyeyr sa iyo kasi ganito ganyan.

Radz: Pero hindi pa rin ako… sabi ko sa sarili ko, bakit ngayon lang nila sasabihin? Para matahimik ako, dineretso ko talaga siya.

Ussah: Pero there was a time na ilang beses mo rin siyang kinonfront, nagdeny siya sa iyo, ano.

Radz: Nagdeny.

Ussah: Nag-ano pa siya. Sinong me sabi niyan? Gusto niya raw atakehin. Parang ganyan.

Radz: May anak naman yung babae na yun e. So ibig sabihin, siya ang nag-stand na lalaki. At saka andaming feedbacks after sa nangyari sa amin. Kaya naniwala ako. Baka after ten years na naman o eleven years, baka papatol na naman siya ng tomboy. And then iikot na naman. Baka papatol na naman siya ng lalaki. And then after ten years, babae na naman.

Radz: E, buhay na niya yun.

Ussah: Ganun, Shei. Tapos ang mga friends kong lesbians, sila ang providers sa relationship. Ganun. Lalaki talaga sila. Tapos yung girlfriends nila, babae talaga sila. Kasi yung girlfriends nila ang mag take care ng bahay, magluluto, maglalaba, mga ganun. Parang man-woman relationship talaga. Kaya minsan, pag naririnig ko yung mga lesbians diyan sa city, parang… may confusion din ako, naku-confuse din ako. Para bang bakit ka makipagrelasyon, tapos hindi nyo alam kung sino sa inyo ang babae at lalaki?

TL: Kasi akala natin, yung lehitimong relasyon lang, yung man-woman. All the rest imitation na lang, parang mga peke.

Ussah: Okay lang sa akin, kahit lesbian may karelasyon, parang accepted ko, kasi nakikita ko, parang lalaki din siya, e. Tapos yung girlfriend niya babae, huwag lang magdidate sa…

TL: Tomboy din.

Ussah: Oo. Kasi parang hindi ko na maintindihan.

Radz: Yung nagdi-date ang babae sa boy, tapos nagdi-date rin sa tomboy? Parang hindi ko ma… Pero meron ako mga kilala na conservative ang pamilya, pag sa public pareho daw sila magdamit, ganyan, pero pag dala-dalawa lang sila, dun na malaman kung sino ang tomboy dun.

TL: Role-playing ang tawag dun.

Radz: Pero ang hindi ko rin maintindihan yung tomboy kayo pareho.

TL: Haha.

Ussah: Isa pa sa hindi ko rin maintindihan sa mga lesbians. Ang mga lesbians parang… lalaki rin kami, ganyan. Tapos, may maririnig ako, may makikita ako, yung lesbian nagkagusto sa isang lesbian. Sabi ninyo lalaki kayo, tapos bakit, may nakita ka bang yung lalaki nagkagusto sa isang lalaki? Wala. Pag lesbian, lesbian.

TL: Hindi, e. Sa akin, I fall in love for so many reasons. Mainlab ako sa kanya because of her brains, nainlab ako sa kanya dahil sa may sinabi siya o may ginawa siya na… incidental lang yun na ang hugis ng katawan niya mataba na girl na naglilipstick, incidental lang yun na tomboy siya. Parang ganun. Pero ang consistent lang, babae siya, she has a female genitalia. Yun lang.

Ussah: Ganun? Siguro kuan pa rin, no, cultural background pa rin.

TL: Siguro. Kasi yun ang nakasanayan natin.

TL: Yung mga butch lesbians, yung mga tomboys sa Davao, parang may term din sila sa amin, kasi hindi ako butchy masiyado e, androgynous ako e, kung minsan masculine, natatawg na Sir o otoh, pero kung minsan napapagkamalang… mukhang girl naman. Para sa kanila, hindi ako totoong lesbian, alanganin ako. Parang baklang lesbian. Oo! Ganun sa taga-Link, kasi mga ano talaga sila, butch-femme butch-femme talaga ang pattern nila. Kung minsan it makes me uncomfortable. Basta ang kaya kong mahalin, babae, babae lahat. Pero incidentally also, karamihan… isa lang yata… hindi isa… sa high school at college pa ako, yung nakaka-attract sa akin, na naglalaway ako, hahaha, yung mga seksing babae na long hair, tapos, maganda ang katawan, maganda ang legs. Pero siguro, dahil galing ako sa feminist movement, ayaw ko ng mga sexual objectification of women, mga ganyan, parang may political status yung masculine na babae, kasi, hindi ka lang babae, kundi you also assume… yung skills ng men meron ka rin, yung physical strength nila meron ka din, kaya may preference ako sa mga ganyan. So, except sa first, nung nainlab na ako na sabi ko this time I could now imagine myself making love with a woman… yun siya yung girl, babae manamit, after that, karamihan, butch. Mas butch kesa sa akin.

Ussah: Yucks! Kadiri ano?

TL: Oo. Mas butch kesa sa akin.

Radz: Maimagine mo maya kaw biya…

TL: Tapos ang tendency nila, gagawin nila akong girl. Ako naman, okay lang. Okay lang.

Ussah: Hahaha.

TL: Pag minsan gaganyan-ganyan din ako, pero mas sila yung… Hey, behave! Hahaha.
Shiiit! Makalimot man ko usahay. Molakaw ko sa dalan mo-swagger ko.

Radz: Baka inaano mo lang, baka sinasabi mo lang na lesbian ka, pero girl ka. Girl ka na ayaw mo sa lalaki. Pero girl ka sa tomboy.

TL: Okay lang yun. Matanggap ko yun.

Ussah: Ano? Pano?

Radz: Girl siya. Pero inaano niya, akala niya, siya ba in certified lesbian talaga.

TL: Hihihi. Yucks! Certified lesbian!(Laughter)

Radz: Hindi. Ayaw mo sa lalaki, aha, pero mas gusto mo, ikaw, makipagrelasyon sa tomboy.

Ussah: Certified lesbian pa rin.

Radz: Lesbian siya na partner ng tomboy.

Ussah: Ah.

TL: Pero if I had an opportunity, nag-muscle building talaga ako. Naiinggit ako sa mga young tomboys na physically strong. Pero in a way, may katotohanan dun sa sinabi ni Mona kasi karamihan sa mga ano ko, I play the... kumbaga sa Chinese, ano ba yan, yin-yang? I play the desired… yung desired nila na [opposite role].

Radz: Hahaha. Ganun?

TL: Oo. Pag nagrereklamo na. Like, ako ang strong! Okay, ako ang cute. Hihi. Pero hindi, e. Hindi pa rin, nag-aaway pa rin kami. Kung minsan mas ako ang aggressive.

Ussah: Hindi ko maintindihan. Hihihi!

TL: Oo. Role-playing kasi yun, e. Stereotypes. Stereotypes yun, e. We tend to be rigid in our roles. Pero ang totoong buhay hindi ganun e.

Tuesday, November 29, 2011

Si Mherz at ang Usaping SOGI sa isla ng mga Tado













Sinabi niya sa akin na magbago na ako. Sabi ko, hindi ganun kadali para baguhin ko yung style ko pati yung tingin ko sa sarili ko.



Sheilfa: So, ano uli tingin mo sa sarili mo, masculine? Feminine? Kasi last time di ba sabi mo feminine ka?

Mherz: Feminine.

Sheilfa: Dahil?

Mherz: Dahil…

Sheilfa: Ano ba yung feminine?

Mherz: Ewan ko.

Sheilfa: Tingnan mo. Yung feminine yung girl
kung kumilos…

Mherz: Patay…

Sheilfa: Yung mag-long hair, yung maglipstick, mahinhin. Yun yung feminine. Yung masculine yung lalaki magkilos. Anong tingin mo sa sarili mo, feminine?

Mherz: Masculine nga ako.

Sheilfa: E, ano yung gusto mong… ano yung words o terms na gusto mong gamitin para i-describe ka ng mga tao, o describe mo sa sarili mo?

Mherz: Wala. Ganito lang ako. Kontento na ako sa ganito.

Sheilfa: Ano nga yung ganito? What’s the term? Boy?

Mherz: Oo. Ito.

Sheilfa: Lesbian?

Mherz: Oo. Lesbian lang ako.

Sheilfa: Ano yung word na mas komportable ka? Komportable ka ba tawagin kang timbura?

Mherz: Hindi.

Sheilfa: Hindi. Okay. Lesbian?

Mherz: Hindi.

Sheilfa: Tomboy?

Mherz: Siyempre, hindi.

Sheilfa: So, ano?

Mherz: Kung tawagin ako, sa akin, pangalan ko
lang.

Sheilfa: Okay.

Mherz: Kasi proud ako sa sarili ko na hindi ako lesbian. Kasi para sa akin lalaki lang talaga ako.

Sheilfa: Ah, ganun. Para sa iyo, lalaki ka?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Ah. Kasi pakiramdam mo, kung tawagin kang tomboy, o lesbian, parang alanganin ka?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Okay.

Mherz: Parang masama.

Sheilfa: Hindi kumpleto.

Mherz: Oo. Masama sa tingin…

Sheilfa: Sa luma na pag-iisip yun. Masama ang maging lesbian. Pero…. Hanggang ngayon ganun pa rin?

Mherz: Oo. Ganun pa rin.

Sheilfa: Lalaki? Yun ang gusto mo?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Sige. Kelan mo na-realize na iba ka?

Mherz: Mga 16 pa lang ako.

Sheilfa: Ano yung nakapa-realize sa iyo.

Mherz: Noong binugbog ako ng tatay ko.

Sheilfa: Okay. Dumaan ka rin pala sa pagbugbog
ng tatay mo.

Mherz: Oo.

Sheilfa: Hindi ka niya tinthreaten na babarilin ka niya?

Mherz: Hindi. Hindi niya ako ginanun. Sabi lang niya, papatayin kita kasi wala kang silbi sa mundo. Pero hanggang salita lang ba ang tatay ko, hindi rin niya ginagawa.

Sheilfa: Pero nung time na yun binugbog ka niya.

Mherz: Oo. Binugbog ako kasi lasing.

Sheilfa: Umuwi ka nang lasing?

Mherz: Hindi ako yung lasing. Siya yung lasing.

Sheilfa: I see.

Mherz: Oo. Tapos napag-initan niya ako kasi ako
yung unang sumalubong sa kanya.

Sheilfa: Pagsalubong mo sa kanya wala kang sinabi?

Mherz: Wala. Binanatan ako ng suntok. Haha. Walang sinabi. Ganun lang ba. Biya biglaan. Nagulat nga ako. Dinala ako sa bahay. Doon, binugbog ako. Pero wala lang yun sa akin, sanay na ako ba.

Sheilfa: Ah, sa taytayan pa kayo binugbog ka na.

Mherz: Oo. Palabas ako ng bahay. Kasi pag lasing siya, ayaw niya na nakikita niya kami.

Sheilfa: By the time may pangalawang asawa na siya?

Mherz: Oo, Kah.

Sheilfa: Ilang taon ka pala nung mag-asawa uli ang tatay mo?

Mherz: Hindi ko na matandaan kasi bata pa ako…

Sheilfa: May asawa na siyang…

Mherz: Hindi pa nga ako pinapanganak nun. Oo.

Sheilfa: Ilan kayong magkapatid?

Mherz: Walo.

Sheilfa: Sa first wife?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Pang-ilan ka?

Mherz: Pang-apat ako.

Sheilfa: Na-realize mo na iba ka dahil nung
binubugbog ka niya, feeling mo, hindi mo kayang iwanan yung pagkalalaki mo o…

Mherz: Oo. Sinabi niya sa akin na magbago na ako. Sabi ko, hindi ganun kadali para baguhin ko yung style ko pati yung tingin ko sa sarili ko.

Sheilfa: Which is?

Mherz: Nah, sabi niya, walang patutunguhan kung ganyan ka lang, kahit nga, laung niya, yung pag-aaral mo naiwan mo na dahil sa… pag-iisip mo na lalaki ka. Ganun. Sabi ko, hindi ko naman naiwan ang pag-aaral ko dahil dito sa style ko. Tapos, ganun. Pinipilit niya talaga ako.

Sheilfa: Nung time na yun nag-aaral ka pa? Second year?

Mherz: O. Yung time na yun nag-aaral pa ako. Second.

Sheilfa: Yung nanay mo?

Mherz: Yung nanay ko wala. Walang sinabi yun. Okay ako dun. Kasi wala na daw siyang magagawa e, ganito na talaga ako. Buti na lang nga daw buhay pa ako kaysa…

Sheilfa: Kaysa namatay ka na?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Kasi nung time na ito, andami mo nang bugbugan na nadaanan? Nung magstart kang nakipagbugbugan ilang taon ka na?

Mherz: Siguro mga Grade Six na ako, dun ako nag-start.

Sheilfa: Mga barkada mo mga lalaki.

Mherz: Oo.

Sheilfa: By the time na fourteen ka, kunsimido na masiyado ang tatay mo.

Mherz: Oo.

Sheilfa: Nung time na yun nagdadala ka na ng
girlfriend sa bahay?

Mherz: Hindi. Hindi pa.

Sheilfa: Sa labas lang?

Mherz: Hindi. Wala pa akong girlfriend noong elementary pa ako.

Sheilfa: Hindi. Noong fourteen ka na.

Mherz: Ah, oo.

Sheilfa: Noong time na binugbog ka niya…

Mherz: Oo. Dumadala na ako ng babae sa bahay.
Minsan nga binugbog niya ako dahil sa babae.

Sheilfa: Ilang beses ka binugbog ng tatay mo?

Mherz: Nakatatlo lang. Nakatatlo lang.

Sheilfa: Ba’t siya tumigil?

Mherz: Kasi wala na talaga siyang… hindi na
talaga niya ako makumbinsi.

Sheilfa: Never na nag-fight back ka?

Mherz: Ano?

Sheilfa: Never na kung bubgugin ka niya lumaban
ka?

Mherz: Hindi ako lumalaban sa tatay ko. Baka barilin ako nun. Hah.

Sheilfa: Ano ba yung tatay mo, konsehal?

Mherz: Oo. Number three.

Sheilfa: So… konsehal kasi siya e, so walang pag-asa na… dahil alam na niya na lesbian, lesbian talaga yan, sa halip na masamain, suportahan?

Mherz: Hindi. Kasi dati, nung una, nung nag-aaral pa ako, gusto niya talaga. Sabi niya, okay na sa kanya na ganito ako basta huwag ko lang pabayaan ang pag-aaral ko. Kasi gusto niya talaga maging pulis ako. Ganun.

Sheilfa: Okay.

Mherz: Tapos, sabi ko sa kanya, oo, gagawin ko.

Sheilfa: Ilang taon ka nung sinabi niya yun? Nung hindi ka pa niya binugbog?

Mherz: Noong Grade Six ako. Nung nag-graduate ako sa Grade Six.

Sheilfa: Okay.

Mherz: Nung naka-graduate nga ako, proud na proud talaga siya sa akin.

Sheilfa: May honor ka ba?

Mherz: Oo. Third. Tapos, yun na ang ginawa ko. Nung naghayskul na ako dun na ako nag-start na magbarkada, magbisyo. Pati pag-aaral ko naiwan ko na. Naano kasi ako ng barkada e. Nabighani ba ako sa mga raket nila.

Sheilfa: Tsiks. Inom. Shabu.

Mherz: Oo. Hindi pa ako nagsa-shabu nun. Hindi pa. Nagshabu ako mga 2007 na.

Sheilfa: Ilang taon ka nun?

Mherz: Siguro mga seventeen. Seventeen ako nun.

Sheilfa: Naging habitual ka ano?

Mherz: Hindi.

Sheilfa: Sabi mo once a month.

Mherz: Hindi.

Sheilfa: Kung wala, hindi mo nami-miss?

Mherz: Kung may trabaho lang ba ako. Para pangtrabaho lang ba. Kunyari, kung may namatay sa amin, bukas yung libing, tapos ngayong gabi yung… Em, unu ba in magjaga ha Tagalug?

Sheilfa: Magguwardiya, mag-vigil.

Mherz: Huun. Nah, ganun.

Sheilfa: So you have to stay awake.

Mherz: Huun. Kasi buong gabi yun ba. Nah, ganun na ang aming gagawin.

Sheilfa: Panggising pa siya, parang kape. Pero later on ginagawa mo yun kung may pagkakataon, like may birthday.

Mherz: Hindi ko yun ginagawa pag may birthday, kasi hindi ka man makakain, pag magtake ka ng shabu ayaw mong kumain. Tapos, biya… malayo lang ba ang iniisip mo. Pag birthday hindi ako nagti-take. Pag ano lang ba, pag may ginagawa kami.

Sheilfa: Anyway, yun ang tingin mo sa sarili mo, pero ang tatay mo, pati yung ibang kaibigan mo, hindi mo masabi na ang tingin nila sa iyo, girl ka, pero ang style mo tomboy.

Mherz: Ano, ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko lalaki na ako.

Sheilfa: Okay.

Sheilfa: Sino pa? Iyong… gusto nila, sana iba ka.

Mherz: Madami. Lahat nang pamilya ko.

Sheilfa: Oo no. Kasi nga kung tomboy ka malapit ka sa bisyo, ganun?

Mherz: Oo. Ayaw ba nila yung makasira sa reputasyon. Kasi lahat ng pamilya ko nag-aano yan, nagsasambayang. Ako lang ang hindi.

Sheilfa: Kinu-consider mo ang sarili mo na Muslim?

Mherz: Siyempre, Muslim. Pero hindi ko magagawa na araw-araw magsasambayang.

Sheilfa: Anong tingin mo sa bakla? Noon. At ngayon. Nagbago ba? Mangi? Makasalanan?

Mherz: Hindi. Para sa akin pantay lang. Bakla at mga tomboy, pareho lang yan. Kahit mga lesbians. Makasalanan.

Sheilfa: Kahit naman hindi tomboy at bakla makasalanan din.

Mherz: Lesbians at mga babae.

Sheilfa: Whooa.

Mherz: Sinasabi kasi ng mga tatay ko, kung sila lang daw ang masusunod gusto nila lalaki lang lahat ng mga anak nila. Kasi daw kung babae makasalanan ba.

Sheilfa: Sexually promiscuous, ganun?

Mherz: Hindi. Kasi daw sa… sa ano… yung sa…

Sheilfa: Sa period ng Jaliliyah?

Mherz: Oo. Kasi walang anak na babae daw dun, pinapatay, kasi daw nakakahiya yung babae, nakakabigay ng problema, mabigat talaga.

Sheilfa: Naniniwala ka dun?

Mherz: Oo. Kasi madami naman akong naano na ganyan e. Mga babae. Tapos binibigyan nila yung mga magulang nila ng problema Nakakahiya ba talaga. Tulad ng mga rape. Ganun. Makikipagseks sila sa mga BFs nila tapos mabuntis. Ayaw nilang sabihin sa mga parents nila…

Sheilfa: Hindi mo tinitingnan yan… sige, sige.

Mherz: Lumalantad lang bigla. Di ba nakakahiya na yun?

Sheilfa: Pero hindi mo tinitingnan na ang lalaki makasalanan din? Kasi hindi naman puwedeng gawin yun ng babae nang mag-isa.

Mherz: Oo. Pero… yung mga lalaki kasi…

Sheilfa: Okay lang.

Mherz: Oo. Parang walang bawal sa kanila ba. Walang bawal. Kasi halos lahat naman ng ginagawa ng mga lesbians halos gawain din ng mga lalaki.

Sheilfa: Oo. Kaya ka naging lesbian? Dahil walang bawal sa iyo. Kasi kahit anong gawin ng mga lalaki, okay lang.

Mherz: Oo. Okay lang.

Sheilfa: E hindi kasalanan ng mga babae yun. Kasalanan yun ng mga batas, kasalanan yun ng mga itinuturo sa relihiyon.

Mherz: Oo.

Sheilfa: E, yung relihiyon naman ang nag-interpret naman niyan, yung mga pari at mga imam e. Mga lalaki naman yang mga ganyan e. Siyempre.

Mherz: Sa amin kasi, sabi ng mga imam, bawal talaga ang mga lesbians.

Sheilfa: Kahit sa Catholics ganyan din.

Mherz: Oo. Bawal talaga. Sabi nila, yan yung pinakabawal dito sa mundo ba. Tomboys. Siksah. Siksah man yan. Pag nagkukutbah ba, nakikinig man ako. Ganun yung pinagdedebatehan nila.

Sheilfa: Kahit sa Christian ganun din.

Mherz: Yung mga iba kasi, yung ibang imam, yung pagkilala nila sa mga lesbians, mababa, kasi daw noon daw panahon nun, ano bang tawag sa time na yun, may mga bakla at tomboy na, kaya hindi natin masisisi kung may lalabas, kasi dati pa iyan, laung niya. Alam naman na may mga lesbians na sa amin, pero yung ayaw lang talaga nila, yung may mabalita sila na, tulad ng mga rape, kasi nung last month yadtu may nangreyp kasi na lesbian. Last month lang noong September.

Sheilfa: Saan yan?

Mherz: Sa Tanjung. Sa Zone 3. Dun.

Sheilfa: Talaga?

Mherz: Student sa National High yung babae.

Sheilfa: Ngayon lang? Last month lang?

Mherz: Oo. Pinagtripan talaga siya. Kaya nagiging ganun na kasama yung mga lesbians sa paningin ng mga tao.

Sheilfa: Adik siya? Kilala ninyo?

Mherz: Hindi adik yun. Ganito kasi. Yung MU ng babae nag-away sila.

Sheilfa: Nung nang-rape.

Mherz: Oo. Ng nang-reyp. Nag-away sila dati tapos hindi ba siya lumaban. Tapos tinago niya talaga yung mga sinabi sa kanya nung tomboy. Tapos, sabi niya, may araw ka rin, pagsisisihan mo ito.

Sheilfa: Ganito. Si A at saka si B nag-away. Tapos natalo si B. Tapos sabi niya, darating ang araw pagsisisihan mo ito. Tapos, nakakita siya ng tiempo, gumanti siya.

Mherz: Oo. Dun sa babae.

Sheilfa: Ginagawa ng mga lalaki yan. Araw-araw ginagawa ng lalaki yan. Kaya nga pag sa giyera, itong kampo at itong kampo, itong country at itong country, sa halip na silang mga lalaki ang magpapatayan, ang mga babae ang pinangri-rape. Yun yung ginawa ng tomboy, ginamit yung babae para makaganti sa kapwa tomboy.

Mherz: Oo.

Sheilfa: Kasi kung makipag-one on one siya talo siya.

Mherz: Haha. Talo siya. Hindi talaga siya makaiskor. Wala. Wala ba. Ang ginawa niya, kinuha niya yung babae sa school.

Sheilfa: Kinidnap niya?

Mherz: Hindi. Sinabi niya na pinapasundo siya ng boyfriend.

Sheilfa: Hindi alam ng girl na yun na…

Mherz: Hindi alam ng girl na nag-away sila.

Sheilfa: Pero yung pinag-awayan hindi ang girl.

Mherz: Hindi. May ibang isyu. Pero hindi ko na alam.

Sheilfa: Tapos? Pagkasundo sa kanya?

Mherz: Sabi ng babae, saan tayo pupunta? Teka lang muna, kunin ko lang ang bag ko. Tapos namalayan na lang niya na doon na sila sa Zone 3. Sabi niya, bakit tayo pumunta dito? Sabi niya, nandito yung boyfriend mo, laung niya, kasi nagpapa-fresh ba yung mind niya, kasi may problema siya, kaya gusto ka niyang makita. Naniwala naman yung babae. Pagkarating nila dun sa bahay na yun, maliit lang ba yung bahay na yun, maliit lang, dun na… sabi niya, saan na yung… hinanap niya yung boyfriend niya, pero wala. Wala, laung niya, dito yung boyfriend mo.

Sheilfa: Tapos nireyp niya.

Mherz: Hindi pa niya nireyp. Binugbog pa niya. Iparating mo ito, laung niya, sa boyfriend mo, ang mga sinabi ko. Hindi ko na alam yun, kung anong mga sinabi. Kasi hindi makapagsalita yung pasyente e. Na-trauma ba siya. Fifty-fifty yun nung nadala sa ospital.

Mherz: Sa Port Area yun nakatira. Tapos fourth year high school. Mga kaibigan namin yun. Pati yung babae kaibigan rin namin yun.

Sheilfa: Sinong nagkuwento sa iyo?

Mherz: Siya. Siya yung nagkuwento sa akin nung nasa ospital siya. Doon pa sa Jolo. Sa Public. Tapos nandun kami. Sakto talaga na nandun ako kasi ang kapatid ng kaibigan ko naadmit din. Anak siya ng imam. Mas matanda sa akin.

MM: Mas matanda sa iyo?

Mherz: Sa mukha lang ba. Hindi ko alam kung mas matanda sa akin, kasi…

Sheilfa: Malanjang?

Mherz: Huun. Maganda in baran niya, aha?

Sheilfa: Yung nangreyp sa kanya, malaki rin yung katawan niya?

Mherz: Hindi. Kasinlaki ko rin yung nangreyp sa kanya, pero apat sila.

MM: Tomboy?

Mherz: Oo.

MM: Kaibanan ha basketbol?

Mherz: Oo. Duha sila tomboy taga-Busbus, pagkaubus in hambuuk tomboy ha SSC nagiskul, third year high school.

Sheilfa: Anong sinakyan nila, motorcycle?

Mherz: O.

Sheilfa: Kasi di ba maraming rapes noon? Tapos wala talagang ni isa na nahuli o napenalize, di ba? They got away with it. So these tomboys naman, gaya-gaya sa mga ganitong katarantaduhan.

Mherz: Kaya nga.

Sheilfa: Hindi mo alam ang mga pangalan?

Mherz: Hindi ko alam ang pangalan.

Sheilfa: Ito yung mga tomboys na nakikita ninyo tuwing nagpapraktis?

Mherz: Oo. At saka kaibigan din namin ang mga iyan pero hindi masiyadong close.

Mherz: Kiyapasuan ba.

Sheilfa: Napag-initan. Ginagawa yun ng mga lalaki e. Pag hindi siya makaganti sa kapwa niya lalaki, yung girlfriend o kapatid yung gantihan. Ano ba iyang mga ganyan, tinatago? Hindi kinakalat? Kahihiyan sa babae?

Mherz: Hindi. Ikinalat din kasi humihingi nga ng tulong ang amah ng babae, kasi nung time na nasa ospital yung anak niya, tapos dun siya sa bahay, pinuntahan siya ng uncle ng tomboy para pagsabihan na huwag unu ba in ipasaplag, Em.

Sheilfa: I-spread.

Mherz: Ganun. Huwag i-expose ba, huwag magsabi sa lahat. Lalong-lalo na, laung niya, huwag kang magdidemanda kasi kaya kitang patayin, kahit ngayon. Walang nagawa yung tatay ng babae kasi wala silang lakas.

Sheilfa: Parang repetition ito noong… ganito lagi noon e, noong 2009 series of rape. Tapos, ngayon naman lesbians yung nang-rape. Ang sama ano.

Mherz: Lesbians yung nang-rape.

Sheilfa: Ano ang implikasyon niyan sa atin sa pag-organize ng lesbians. Shiiit.

Mherz: Ang sama ng mga tomboys sa Jolo.

Sheilfa: Kaya nga, baka kailangan yung alternatibong klase ng pagkatomboy, di ba.

Mherz: Yung iba ngang lesbians namementa ng mga babae.

Sheilfa: Kasama na si Rhidz dun?

Mherz: Hindi.

Sheilfa: Kasama ka dun?

Mherz: Eeeey! Sepais!

Sheilfa: Ano yung sepais?

Mherz: Wala. Susmaryosep ba.

MM: Never.

Sheilfa: Meron pala kayong never. Totoo yun na during the series of rapes in 2009, trabaho ng mga lesbians yung magtiktik, magtiktik is magbigay ng information sa mga rapists na ganito ang skedyul niya, ganito oras sa school siya. Yung mag-espy ba, tapos, giving information sa rapists. Totoo yun?

Mherz: Noon? Hindi lang nirireyp, palaging binibenta pa.

Sheilfa: Lagi talaga yan?

Mherz: Oo. Lagi.

Sheilfa: Sila yung mga bugaw? Kasi sa Davao yung mga bugaw, bakla.

Mherz: Noon, bakla, tomboy, puwede. Lalaki, babae, puwede.

Sheilfa: Kahit sino nangbubugaw?

Mherz: Oo. Minsan nga yung nanay mo pa yung bumebenta sa iyo.

Sheilfa: Oo. Totoo yan.

Sheilfa: Marami kang alam na ganyan?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Okay.

Sheilfa: Okay. So no coming-out issues ka. Ang kinuwento mo dun sa diskriminasyon and violence, Mherz, yun lang mga dalawang cases lang yata yun. Pero sinabi mo na maraming beses ka na nabugbog. Pero yung detalye, yun lang last kang nabugbog sa swimming pool, saka yung… bakit ka tumatawa, Balang? Masaya si Balang, o, dahil nabugbog ka sa swimming pool.

Mherz: Hindi yun siya pang-last, yung nabugbog ako sa swimming pool.

Sheilfa: After sa swimming pool, nabugbog ka uli? Mga ilang beses? Kaya mainitin ang ulo mo, Mhers, symptom ng brain injury yan e, irritability. Brain-damaged na kaw, Mherz, kangug na kaw.

Mherz: Brain-damaged.

Nhadz: Hahaha.

Sheilfa: Tawa naman ito nang tawa, akala mo siya, hindi siraulo.

Mherz: Hahaha.

Sheilfa: Si Alex daw siraulo. Sino ba ang hindi siraulo dito.

Mherz: Dati na yung siraulo. Hindi kangug yun si Alex. Baliw na nga, e.

Sheilfa: Saka nili-live niya talaga yung ano niya, no. Kung ano yung maisipan niya, gawin niya talaga. Baliw talaga siya. Kesa naman magmadre ka, tulad ni Maam kahapon. Lesbian na mga madre. So nakailang bugbog ka pagkatapos nung sa swimming pool?

Mherz: Nakaupat.

Sheilfa: Okay. This time, sino? Naano siguro sila, dahil, di ba , sabi mo, first time mo na napuruhan ka? Siguro may nagbalita, uy, hindi naman pala invincible ang lintek na tomboy na iyan, ulitin natin. So na-threetimes ka.

Mherz: Oo. Tapos, nagkamali sila.

Sheilfa: Dahil? Nakaganti ka?

Mherz: In fact, muntik akong makamatay ng tao.

Sheilfa: Kelan yun, Mherz?

Mherz: Pag-uwi natin sa Zambo.

MM: Pag-uwi natin from Zamboanga, Kah.

Sheilfa: Talaga? Anong nangyari?

Mherz: Sa pantalan pa lang nakahanap na ako ng away.

Sheilfa: Pa’no?

Mherz: Naglilibor siya na hindi naman ako nagpapalibor sa kanya. Sabi niya, magbabae ka na lang kasi para magustuhan pa kita. Putangina mo, sabi ko. Tapos, ginanyan ako, putangina, lalaban ka? Tapos, sabi ko, bakit, akala mo, hindi? Tapos, inawat na kami ng guard.

Sheilfa: Ay, sayang.

Mherz: Bakit sayang?

Sheilfa: Walang aksiyon e. Bitin.

MM: Gusto mo ng aksiyon?

Sheilfa: Oo. Gusto ko ng aksiyon.

MM: Sige, batukan mo. (Laughter)

Sheilfa: Once yun. Yung pangalawa?

Mherz: Dun sa amin. Kaibigan ng kapatid kong babae.

Sheilfa: Yung si Nadsilina?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Ilang taon yung kapatid mo?

Mherz: Ewan ko.

Sheilfa: Tarantado 'to. Siguro hindi mo rin alam kung ilang taon ka, ano?

Mherz: Hindi kasi ako nakikinig sa mga ano. Wala akong pakialam sa kanila.

Sheilfa: Alright.

Mherz: Selfish kasi ako.

Sheilfa: Ano, ano?

Mherz: Selfish.

Sheilfa: Oo. Selfish.

Mherz: Oo. Dun sa bahay. Pero pag sa mga friends, hindi ako selfish.

Sheilfa: Kawawa naman nanay mo. Saka mga kapatid mo. Pero never mind. Okay. Pangalawang bugbog.

Mherz: Nililigawan niya kasi ang kapatid ko. Haha. Ayaw ko, kasi bata pa yung kapatid ko ba. Sabi niya daw, bakit siya nakikialam e, hindi ko naman siya pinapakialamn, hindi naman siya ang nililigawan ko. Ayaw din sa kanya ng kapatid ko kaya nagsasabi sa akin, pinipilit niya ba ako, Kah. Pagkatapos, hindi pa tapos si Nadz magsalita pumunta na agad ako sa bahay nung lalaki. Tapos pagkalabas, pagtawag ko, sabi ko, halika ba rito. Tapos, paglapit niya sa akin, nagsuntukan na kami kaagad. Dinala kami sa baryo.

Sheilfa: Saan mo siya sinuntok?

Mherz: Dito.

Sheilfa: Nablack-eye yun.

Mherz: Oo. Sabi nga sa baryo, nakakahiya ka, kalalaki mong tao, naano ka, laung niya, ng babae.

Sheilfa: Hahahaha. Nagsuntukan kayo? Lumaban talaga siya?

Mherz: Oo. Nagsuntukan talaga kami. Sabi ng konsehal, basagulera talaga yan, kababaeng tao. No comment lang ako.

Sheilfa: Hindi kayo gi-blotter?

Mherz: Hindi. Ba’t naman sila magba-blotter sa akin? Papatayin sila ng mga relatives ko.

Sheilfa: Alright.

Mherz: Masama kasi yung mga relatives ko. Kaya ganito ako. Mayabang.

Mherz: Kasi kinakampihan talaga ako. Pinapakitaan ba ako ng kampi. Kahit nga kasalanan ko, kinakampihan ako.

Sheilfa: Kaya lumaki ang ulo mo.

Mherz: Sabi ng nanay ko, huwag nyong kampihan yan, pabayaan nyo yang patayin ng tao.

Sheilfa: Pero di ba, kasi sa Tausug, source of pride nyo yan, di ba, yung may miembro kayo na matapang. Parang maratabat nyo yun, di ba ganun yun?

Mherz: Pero balewala lang. Kasi gusto ng tatay ko talaga na may magtanggol sa akin. Kasi pag nalaman ng tatay ko na nakahanap ako ng away, tapos pinabayaan lang ako ng mga relatives namin, magagalit, magwawala siguro sa amin. Kaya takot din mga kapatid niya.

Sheilfa: Yung pangatlo?

Nhadz: Sa Takut-takut, meron. Sabi nung bata, te, pulma. Tapos, nagbalik siya. Anong sabi mo, pulma?

Sheilfa: Wala yun. Hindi man yun bugbugan. Threat of violence lang yun.

Nhadz: Muntik na niyang bugbugin yung bata. Tapos, inawat ko, grabe man.

Sheilfa: Ilang taon yung bata?

Mherz: Tatlo. Apat. Ah, madami.

Nhadz: Madami.

Mherz: Nagbibinti kasi sila. Tapos, binigay ko kay Nhadz yung cp. Sabi ko, Nhadz, o. Yung nagkukuwentuhan tayo? Nung tumawag ka? Sabi ko, Nhadz, si Kah Serpa, nakipag-usap sa akin. Tapos, sabi nung bata, Pulma. Bumalik ako. Sabi ko, sino ang pinagsabihan mo ng pulma? Sabi niya, hindi ikaw, bukun ikaw, laung niya, haha.

Nhadz: Eksplisyun lang yun, te. Eksplisyun lang ba.

Mherz: Kasi, sakto, paglapit ko kay Nhadz, pagkabigay ko ng cellphone, sabi niya, Pulma. Sino ba naman hindi magduda? Di ba? Haha.

Sheilfa: Mga ilang taon yung mga bata?

Mherz: Malaki yun. Malaki pa sa akin. Hindi ko binugbog ba, ginanyan ko lang, o. Tapos, tinulak ko lang yung isa.

Sheilfa:
Ilan sila?

Mherz: Madami ba. Haha. Sabi ko, kayo, lalaban kayo? Sabi ko ganyan.

Sheilfa: Haha! Mga ilang taon?

Mherz:
Sabi, ang yabang mo talaga. Malaki yun. Malaki pa sa akin. Malaki ang mga katawan. Oo, malaki kaysa sa akin. Pero umalis na lang kasi ayaw nila ng gulo.

Nhadz: Pulma!

Mherz: Pinagsabihan kasi ako ng pulma.

Sheilfa: Yung mga girlfriends mo at mga taong malapit sa iyo, ano-anong mga natanggap nilang threat dahil sa relasyon nila sa iyo. May mga experiences ba sila na nang dahil sa relasyon ninyo binabastos sila?

Mherz: Wala.

Sheilfa: Yung parents ng babae, hindi ka rin… di ba yung sa unang pagbugbog sa iyo ng tatay niya dahil hindi siya umuwi for ano yun, three nights…

Mherz: One night lang yun.

Sheilfa: One night? Dapat pala paulit-ulit na interviews. Nagbabago yung datos e.

Mherz: Ewan ko. Kasi nung nag-interbyu ka nun, wala ako sa ano ba.

Sheilfa: So walang threat na i-harm yung mga close sa iyo? O yung tatay mo ba hindi ka pinagsabihan ng, Wala kang mamanahin sa akin dahil sa pagkatomboy mo, o iyong palayasin ka?

Mherz: Wala. Hindi. Wala naman akong mamanahin dun e.

Sheilfa: Tsek.

Mherz: Yung pagkababaero niya na lang yung mamanahin ko, puwede na yun.

Sheilfa: Oo. Babaero ang tatay mo ano, ilan ang asawa?

Mherz: Dami. May anak pa siya sa Brigade. Anak ng puta.

Sheilfa: Bisaya? May puta siya? Anong ibig sabihin nung may babae sa Brigade, babaeng sa brigade naghahanap-buhay?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Yung customers niya, mga sundalo?

Mherz: Oo. Customer niya ba, tapos, nagkaroon sila ng anak. Tatlo. Matagal silang nagkarelasyon. Tapos, hindi niya daw maiwan.

Sheilfa: Ano yan, Zamboanguena?

Mherz: Oo.

Sheilfa: So may tatlong anak yung babae na iba-ibang lalaki.

Mherz: Hindi. Sa tatay ko lang.

Sheilfa: Sa tatay mo, tatlo ang anak niya?

Mherz: Oo. Nalaman namin nga nung… dinala na niya sa bahay, binahay na niya yung babae. Pinanindigan niya din yung ginawa niya, kasi daw may anak.

Sheilfa: Ah, iyan yung pangalawang asawa?

Mherz: Hindi. Pangatlo na.

Sheilfa: Akala ko dalawa lang yung asawa ng tatay mo.

Mherz: Hindi. Madami. Kaya lang hindi niya pinapakasalan. Bale, ano ba, kabet-kabet lang. Dinala niya sa amin yung babae, kasi may mga anak na daw sila, kasi natatakot siya sa karma.

Sheilfa: Wala namang nagsabi sa iyo, na ikaw, tarantado ka talaga, ipaganun kita.

Mherz: Wala. Pero nun, pinagsabihan ako ng kapatid ng tatay ko na ipa-mental.

Sheilfa: Hahaha. Ilang taon ka nun?

Mherz: Ganito na ako kalaki. 2009. Nandun kasi sila sa Manila. Sa San Mateo sila ngayon. Tapos nagpunta sila dito, pagkakita nila sa akin, Bakit ka naging tomboy? Kasi noong una silang pumunta dito nun, parang hindi pa ako formal na tomboy talaga, tinatago ko pa.

Sheilfa: Ilang taon yang hindi ka pa formal na tomboy? Akala ko ba ipinanganak kang tomboy?

Mherz: Grade Two. Ipinanganak akong tomboy pero tinago ko pa muna. Kasi strict talaga yung mga tita ko, hindi katulad ng mga magulang ko. Kasi sila yung nagpapaaral sa akin.

Sheilfa: Sila yung Tita mo na nag-adopt sa iyo?

Mherz: Oo.

Sheilfa: Yung tomboy rin?

Mherz: Hindi.

Sheilfa: Sabi mo, awn inaun mu nag-adopt kaymuh, awn asawa niya babae.

Mherz: Sa mother side ko yun.Iba pa yun. Kapatid ng tatay ko yan, strict talaga sila, yung sa relatives ng tatay ko.

Sheilfa: Dahil sa parang…diskontento mo sa buhay mo, nagda-drugs ka, sigarilyo, palainom, tama bang sabihin yun? Restless ka kasi e. Tapos, rebelde. Tapos minsan dahil kasama yun sa pagiging tomboy mo. Kasi nga lalaki ka. So pumasok ka sa kung ano-anong bisyo tulad ng drugs. No? Walang kang attempted suicide?

Mherz: Wala.

Sheilfa: Hindi mo inisip na gusto mo patayin ang sarili mo?

Mherz: Hindi!

Sheilfa: Pero madalas marami kang taong gustong patayin?

Mherz: Oo. Ganun.

Sheilfa: Haha.

Mherz: Gusto ko ako lang mag-isa ang matitira dito sa mundo.

Sheilfa: Hahahaha!

Mherz: Takot akong mamatay.

Sheilfa: Ganun?

Mherz: Oo. Kaya ako basagulero dahil ayaw kong maunahan ako. Kapag nakikipag-away ako gusto ko patayin yung kaaway ko, ayaw ko na ako yung patayin. Kasi takot akong mamatay.